Sana

 Sana bumalik ka na sa dati

Kung saan ikaw ay palangiti

Sana hindi ka na lang nagbago

Para hindi mo ako naloko

Sana kasi hindi na nangyari pa

Para hindi na nasaktan pa

Sana hindi ka na lang dumating sa buhay kong masaya

Na ngayo’y winasak mo na

Sana hindi na lang nakilala

Para hindi na ako umasa

Edi sana ngayon hindi na ako nagmukhang tanga

Sana hindi na lang ako naniwala Sa mga matatamis mong salita

Sana hindi na lang ako nahulog pa

Sana sa una pa lang nalaman ko ng paasa ka

Sawa na ako sa kakaasa

Ayoko ng masaktan pa

Kaya tatanggapin ko na lang na hanggang diyan na lang tayo

Sa mga salitang “SANA”

13 thoughts on “Sana

Leave a reply to Joana Marie Canlas Cancel reply